Tuesday, January 26, 2010

BAGONG TEAM NANAMAN!!!!

Alex, Oni and me!


AMF! kaka lipat ko lang ng team ay nalipat nanaman ulit ako ng bagong team. Badtrip naman, kung kailan nkikilala ko na ung mga bago kung ka team sa nilipatan ko ay nalipat nanaman ako ng bagong team.

Mis ko na talaga ang mga ka batch ko at dati kung mga ka team, buti n lang at lagi pa din kami nag kikitata sa floor at nag kaka usap pa din. Sana ay mka sama at maging ka team ko na ulit ang mga dating nauna kung mga team at mga ka batch ko....

Monday, January 18, 2010

Inuman


Hay... Nakakamis na ang maki pag inuman ulit sa mga ka batch ko sa work, kaya lang dami na nag resign, halos konti n lng kami mag kaka batch sa floor, most of them nag resign na, ang iba ay umuwi sa province dahil may offer na magandang trabaho, ang iba naman ay nag apply sa iba dahil mas malaki ang offer. Kahit man ako ay nag babalak n din mag resign dahil sa baba ng sahod. Sana ay may tumawag na sa akin n company para mka alis na me sa pinag tatrabahuhan ko....

Sana mag ka sama-sama ulit kami mag ka inuman ng mga naging kaibigan ko sa work at batch ko, sana ay mag kitakita pa din kami...

Monday, January 4, 2010

New Team!

at work




Hay... Sobrang nakaka-lungkot naman, nag ka hiwalay na kami ng mga ka team ko sa work. Nilagay nanaman ako sa ibang team, panibagong pakikisama nanaman.

Last Sunday ng una kung mka sama ang mga bago kung ka-team, dalawa lang yata ang kumausap sakin, nakaka-lungkot sa bago kung team, miss ko n nang sobra ang mga dati kung ka team. Hahos bihira ko na lang din makikita ang mga dati kung mga ka team, mag kaka-iba na din kami kasi ng schedule....

Start na-naman ng barging, sobrang presure nanaman sa work, sana maka lipat na ko ng bagong trabaho... Pagod nako maki pag usap sa mga subscriber na galit at lalo n mag paliwanag sa mga di maka intindi.
==================================



Sunday, December 27, 2009

IT'S MY BIRTHDAY!

BIRTHDAY BOY!!...


Tomorrow is DEC 28,09 my Birthday.hehe!!!... Sana naman may mka alala ng Bday ko to tomorrow. Kya lang ala n me pera pang gmik sa Bday ko, naubos na, pinag bibili ko na ng gift ng kapatid ko at mga inaanak.huhu..

Sana kahit sa txt maalala ko ng mga friend ko bukas. Sana marami ulit mag txt gaya nung Christmas.

Hehe!!!...Kahit ala me natangap n gift nung Christmas, masaya na me na nabigyan ko sila ng gift lahat, sabi nga nila, It's better to give than to receive.

Friday, December 4, 2009

MY FARMVILLE


FARMVILLE


Ito ang farmville ko ngaun. walang tanim at mukhang kawawa.hehe... twice a week lang ako mag farmville pero adik na adik na yata ko dito. Pero sure ako AT mapapalaki ko din ang farmville ko.Haha!!!...

Sa next na post ko dito, siguradong malaki na ang farm ko. SURE YAN!!!...

Thursday, November 26, 2009

FARMVILLE!!!!


FARMVILLE



Hehe!!!.. Bago lang me sa facebook dahil sa kaku-kwento ng ka workmate ko tungkol sa FARMVILLE na ingganyo ko gumawa ng facebook ko para mag ka FARMVILLE ako. Ngayon ay sobrang aliw ako sa FARVILLE, kahit level 4 pa lang ako ay sobrang natutuwa ako mag pa level up.

Wait lang kayo pag na accept na ng mga ka workmate ko invitation ko sa FARMVILLE sigaradong madami akong gift na matatangap.HAHA!!.. Wish ko mahigitan ko pa ang mga ka workmate ko sa FARMVILLE.HEHE!!...

Friday, November 20, 2009

BORING!!!


Kakainis ang araw no to, sobrang boring. kasama ko mahal ko ngayong gabi no to kumain kami sa Burgoo. sobrang boring nya kasama ngayong gabi no to, di man lang sya marungong mag lambing. Kumakain kami sa Burgoo na parang wala lang, di masyado nag uusap at di nag bibiruan, di gaya dati.. Sobrang dismayado talaga ko ngayon at sobrang inis!!!...

Na ngako siyang manunuod kami ng sine, pero naka limutan na nya. Niyaya ko sya manuod nayon ng NEW MOON, pero ayaw nya, pagod daw sya. sobrang nakakainis, kasi sabi nya non next week pag mag kikita tayo ay manunuod tayo, pero di rin pala.

Galit ako sa kanya ngayon pero di ko maparamdam galit ko, kasi naaawa din ako sa kanya. Pero alam kung napansin nyang may mali at paarang malungkot daw ako. Hay... Kainis talaga, sana nextweek pag kita ulit namin sana ay masaya na.